Bilib ako sa TAPANG mo.

Sa mundong walang kasiguraduhan.

Pumusta ka at piniling mabuhay.

Hindi madali and iyong pinagdaanan.

Araw araw pinili mong mahalin siya.

Kahit na nakikita mo na may mali na.

Pinili mong ipikit ang iyong mga mata.

Dahil akala mo iyon ang tama.

Sabi nga nila pag mahal mo.

Ipaglalaban mo at kakayanin mo ang lahat.

Pero pag ikaw na lang ang lumalaban.

Anong rason para ipagptuloy pa.

Bilib ako sayo. Alam mo kung bakit.

Dahil kahit hirap na hirap ka na.

Hinayaan mo na ipakita sa mundo

ang iyong pighati at ang nangyare sa buhay mo.

Kahit na alam mong huhusgaan ka at maraming sasabihin ang ibang tao.

Hindi ka nagatubili at hinayaan na mangibabaw ang pagnanais na ipaalam sa mundo na hiwalay na kami at mas mahalaga ang kapayapaan ng utak at puso ko.

Salamat sa pagbabahagi ng iyong karanasan.

Hindi talaga ibig sabihin na masaya ka sa camera eh masaya ka na sa totoong buhay.

-NCSM2022

Leave a comment

Design a site like this with WordPress.com
Get started